-- Advertisements --

Tiniyak ni Laguna Governor Ramil Fernandez na makakamit ng pamilya ng pinaslang na alkalde ng Los Banos na si Ceasar Perez ang hustisya.

Ayon sa gobernador, inatasan na niya ang mga kapulisan na magsagawa ng masusing imbestigasyon.

Nagpaabot na rin ito ng pakikiramay sa kaanak at sa mamamayan ng Los Banos dahil sa pagkasawi ni Perez.

Magugunitang binaril sa ulo ng hindi pa kilalang salarin si Perez habang ito ay nasa harap ng kanilang munisipyo nitong Huwebes ng gabi.

Isa rin si Perez sa pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa iligal na droga.