-- Advertisements --

Inilagay na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang lalawigan ng Laguna sa Alert Level 3 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Magiging epektibo ito mula Enero 7 hanggang Enero 15.

Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na aprubado na ng IATF ang rekomendasyon ng sub-Technical Working Group on Data Analytics.

Magugunitang nitong Martes ay inilagay na rin sa Alert Level 3 ang Bulacan, Cavite at Rizal mula Enero 3 hanggang 15.