-- Advertisements --
Bay,Lagunajf4250 05

Nagsagawa ang pamunuan ng Laguna Lake Management Office at PNP-Maritime Group ng operasyon laban sa mga ilegal na mangingisda sa Laguna de Bay.

Ang naturang operasyon ay bahagi ng pangangalaga at pagbibigay proteksyon ng naturang ahensya, na siyang naatasang mangalaga sa naturang lawa.

Sa naturang operasyon, hinabol ng mga otoridad ang mga mangingisda na nagsasagawa ng illegal at unauthorized fishing sa Laguna De Bay, partikular na sa bahagi ng lawa na nasa Muntinlupa City,

Gayonpaman, agad naman umanong nakatunog ang mga mangingisda at iniwan lamang ang kanilang mga kagamitan, at banka, kasama na ang 300 kilo ng nahuling isda,

Nagbabala naman ang Laguna Lake Management Office at PNP-Maritime Group na hindi sila titigil sa pagmamanman sa mga ilegal na mangingisda sa naturang lawa.

Patuloy anila ang pag-iikot ng mga law enforcement officers ng dalawang unit para matiyak na walang nakakapagsagawa ng ilegal na aktibidad dito, kung saan nasasaklawan ang ilang mga lungsod ng Metro Manila, Rizal Province, at Laguna.