-- Advertisements --

LAOAG CITY – Halos maging “ghost town” na ang Lahaina Maui, Hawaii dahil sa malawakang wildfires.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Claudine Daguro mula sa Lahaina Maui, Hawaii, dalawnag beses silang lumikas kung saan noong maliit pa lamang ang wildfire ay pumunta sila sa isang hotel.

Ngunit ipinaalam sa kanila na lumalawak at lumalapit ang apoy sa mga malalaking hotel dahilan para magtungo sila sa mismong sentro ng Maui.

Inihayag pa nito na dahil lahat ng mga kalsada ay nakasara dagil sa wildfire ay dumaan sila malapit sa bundok kahit pa delikado at malayo kung saan dalawang oras ang kanilang naging biyahe bago makadating sa mismong sentro ay nagpalipas sila ng gabi sa parking lot ng isang fast food chain.

Sa ngayon aniya ay hindi pa nila alam ang kanilang susunod na gagawin dahil sa mismong Lahaina Maui sila naninirahan ngunit sa ngayon ay nakitira muna sila sa bahay ng kanyang bayaw.

Dagag nito na wala naman sa kanilang pamilya ang nasugatan dahil pa rin sa wildfire.

Samantala, sinabi naman ni Bombo International News Manny Pascua na marami pang mga Pilipino na naninirahan sa nasabing lugar kung saan lumalabas pa na may parte ng bahay ng mga ito ang apektado.

Sinabi pa niya na pahirapan rin ang komunikasyon sa naturang lugar kaya’t mahirap makontak ang ilang kababayan na nandoon.

Napag-alaman pa na mula sa mahigit tatlumpong katao na namatay ay pahirapan rin ang pagdetermina kung sino ang mga ito dahil sa tinamo nila mula sa sunog.

Nabatid na sa ngayon ay malakas rin ang hangin sa nasabing lugar.