-- Advertisements --

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa publiko sa posibilidad ng lahar flow sa Bulkang Kanlaon dahil sa sunod-sunod na mga pagulan.

Sa 24-hour monitoring period ng ahensya simula nitong Dec. 14 at 15, naitala ang 14 volcanic earthquakes at na obserbahan rin ang patuloy na pagpapalabas nito ng mga gas katulad ng sulfur dioxide.

Kaya’t pinapayuhan ang lahat ng publiko na iwasan na ang pagpunta sa mga ilog, waterways at iba pang posibleng dadaluyan ng lahar.

Inabisuhan rin na makinig ang Publiko sa lokal napamahalaan kapag ito’y magsasagawa ng mga pre-emptive evacuation dahil ‘yan sa posibleng maging epekto ng lahar kung saan maaaring ma-washout ng malalaking bato at lupa ang mga ilog at matabunan ng putik ang lahat ng kabahayan na malapit sa naturang bulkan.

Samantala, inutusan narin ng ahensya ang lokal na pamahalaan na mag monitor ng kanilang mga weather condition at rainfall warnings.

Kasalukuyan naman nakataas sa alert level 3 ang bulkang Kanlaon dahil parin sa sunod-sunod na volcanic activity nito.