Namataan ang pag-agos ng tubig na may kasamang lahar sa ibang bahagi ng Negros Occidental.
Ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD), naging maputik ang stream flow sa Buhangin River, Brgy. Sag-ang, Robles to Lalagsan, patungong Moises Padilla at direkto sa Binalbagan River.
Matatandaang kasabay ng minor explosion, naitala din ang pagkalat ng abo patungo sa ilang bayan sa Isla.
At dahil sa bahagyang pagbuhos ng ulan, tinangay ng tubig ang mga abo na dumiretso sa ilog at iba pang katubigan.
Patuloy namang inaalerto ang publiko ukol sa lahar flow kung magkakaroon muli ng pagbuga ang Mt. Kanlaon sa mga susunod na oras at susunod na araw.
Nananatili naman ito sa Alert Level 3 at bawal pa rin ang mga mamamayan sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone.