Nagbabala ang Office of the Civil Defense sa publiko sa posibilidad ng lahar flow sa gitna ng nagpapatuloy na volcanic unrest sa Bulkang Kanlaon sa Negros island na sinabayan pa ng mga pag-ulan dala ng nagdaang bagyong Ferdie at hanging Habagat.
Ayon kay OCD spokesperson Director Edgar Posadas, namonitor ang mud flow sa ilang lugar sa Western Visayas na nakakaranas ng mga pag-ulan kayat may posibilidad ng lahar flow.
Samantala, puspusan na ring nakikipag-ugnayan ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa Western Visayas sa kanilang counterparts mula sa Central Visayas para matiyak ang coordinated response sakaling pumutok ang bulkang Kanlaon.
Pinaplantsa na rin ng mga lokal na pamahalaan doon ang kanilang paghahanda kabilang ang planong pagpapalikas sa mga residente sakaling lumala ang sitwasyon sa bulkan.