Bumaha na ng lahar na ibinuga ng Mt. Kanlaon hanggang sa La Castellana, Negros Occidental nitong hapon ng Miyerkules.
Ito ay kasunod ng pagputok ng bulkan noong gabi ng Lunes, Hunyo 3, 2024.
Nagpapatuloy ang evacuation ng mga residente na nakatira sa mga barangay na apektado ng lahar.
Sa kabilang banda, tuloy-tuloy naman ang paghahatid ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga pamilyang apektado ng Kanlaon Volcano eruption.
Nagbigay ng pagkain at tubig ang PRC sa mahigit 250 katao sa mga evacuation center sa Negros Occidental at Negros Oriental na apektado ng pagputok ng bulkan.
Nagtayo rin ang kanilang volunteers ng first aid at welfare stations sa La Carlota at La Castellana evacuation centers.
Dito ay ilang bata ang nakilahok sa child-friendly activities at hygiene promotion ng PRC.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, bukod sa pagkain at psychosocial support, nagpamahagi rin ang mga volunteer ng N95 masks sa regional health unit ng Negros Oriental.
Makakaasa umano ang mga residente na kaagapay nilang humanitarian team hanggang sa maibalik sa normal ang sitwasyon sa Negros Island.