-- Advertisements --
Delta DOH 1

Iniulat ngayon ng Department of Health (DOH) na lahat ng mga lugar sa National Capital Region (NCR) ay tinukoy bilang nasa high or critical risk para sa COVID-19.

Ang lungsod ng Navotas at Pateros ay nalagay na rin bilang critical risk areas matapos lahat ng mga kama sa ospital sa mga lugar na ito ay puno na, habang ang 2-week growth rate ay umabot sa 353.25 porsyento at 266.35 porsyento.

Ang mga yunit ng intensive care sa siyam na lugar ng Metro Manila ay mahigit na sa 70 porsyento na puno.

Ayon kay DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang Quezon City ay mayroon pa ring pinakamaraming aktibong COVID-19 cases na nasa 4,453 at sinundan ng lungsod ng Maynila na may 3,081, at Makati City na may 2,012 na mga pasyente.

Aniya, ang lahat ng mga lugar sa NCR ay apektado na ng variant ng Delta.

Nang tanungin kung susubukan ng DOH na irekomenda ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region, sinabi ni Vergeire na wala pa silang maibigay na konklusyon ngayon.

Kung maalala magtatapos ang ECQ sa Metro Manila sa Agosto 20.

DOH data