LAOAG CITY – Inihayag ni Mr. Roldan Esdicul, ang provincial Disaster Risk Reduction Management Officer sa Probinsya ng Batanes na simula ngayong araw ay kanselado na ang lahat ng flights.
Ayon kay Esdicul ang nasabig hakbang ay pag-iingat sa posibleng epekto ng Bagyong Mawar habang nasa loob ng Philippine Area Of responsibility at ang inaasahang pag-ulan sa mga susunod na araw.
Sinabi ni Esdicul na simula ngayong araw na pagkansela ng mga flights ay maaring magbalik lamang ito sa huwebes o biernes o sa mismong araw na nakalabas na sa bansa ang bagyo.
Una rito, ipinaalam ng opisyal na aabot sa 6,000 na food packs ang nakapre-position kasama ang dagdag na 850 packs na dinala ng Philippine Airforce.
Kaugnay nito, sinabi ni Esdicul na lahat ng equipments at evacuation centers ay nakahanda na.
Samantala, inihayag ni Esdicul na posible rin na makansela ang klase at pasok sa mga opisina sa Lunes ngunit nakadepende ito sa panahon.