-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa.

Ayon sa dating pangulo na kung tuluyang tatanggalin ang POGO ay dapat lahatin na dahil talamak pa rin ang iligal na sugal.

Inamin nito na ang POGO ay maraming natutulungang mamamayan sa bansa.

Magugunitang itinuro ng ilang mga mambabatas na kaya namayagpag ang POGO ay dahil sa pagpayag noon ni Duterte habang siya ay pangulo.