BUTUAN CITY – Negatibo sa Covid-19 ang lahat na personnel ng LTFRB-Caraga Regional Office, regular/contract of services/ job order, matapos ang isinagawang Rapid Antibody Test o RAT na ginawa nitong umaga ng Huwebes sa BMC Annex medical personnel at na-facilitate ng City Government sa Butuan City.
Naisakatuparan ang rapid testing sa lahat ng LTFRB personnel matapos ang ipinalabas na office order na nilagdaan ni Atty. Martin B. Delgra III, LTFRB Chairman, kung saan inatasan ang lahat nang officials at employees ng LTFRB sa buong bansa na sasailalim sa rapid testing upang makapagbigay ng safety precautions laban sa pagkalat sa COVID-19.
Pinasasalamatan ni Maria Kristina E. Cassion, LTFRB-Caraga OIC-Regional Director, ang Panginoon dahil sa pagprotekta sa kanila kasabay sa kanilang tungkulin.
Umaasa si Cassion na ang nasabing resulta sa kanilang rapid test, na lahat negatibo, magwakas na sa espikulasyon at diskriminasyon na sila ang carrier ng covid-19 dahil sa kanilang contact sa LSIs, na ang iba ay nag-test positive sa nasabing virus.
Bago paman ang moratorium na ina-aprubahan ng IATF sa sweeper flights at mercy trips sa Caraga LSIs kung saan epektibo simula noong Hunyo 22 hanggang Hulyo 4, 2020, nakagawa na ang LTFRB Caraga sa pag-transport sa 1,878 katao sa ilalim sa Hatid Estudyante Program and Balik Caraga sa mga na-estranded na indibidwal.