Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng ahensya ng gobyerno na balikan at rebyuhin ang lahat ng kontratang pinasok.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang direktiba sa isinagawang Cabinet meeting kagabi sa Malacañang.
Sinabi ni Pangulong Duterte, nais niyang matanggal sa mga kontrata ang mga probisyong nakakasama sa buhay ng mga Pilipino.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi dapat lugi ang Pilipinas sa alinmang kontrata at dapat mangibabaw ang interes ng mga Pilipinas.
Kasabay nito, inatasan ni Pangulong Duterte ang Solicitor-General at Secretary of Justice para pag-aralan ang kaso ng Maynilad at Republika ng Pilipinas.
“During the same Cabinet meeting, PRRD directed the Solicitor-General and the Secretary of Justice to study the case of Maynilad vs. Republic. The Chief Executive then instructed all agencies to check and review all contracts entered into and remove onerous provisions that might be detrimental to the lives of the Filipinos. He reiterated his vow to protect the people of the Republic of the Philippines,” ani Pangulong Duterte.