Gagamitin umano ng Office of the Solicitor General ang lahat ng legal remedies na maaari nitong gamitin para hamunin ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration na pumabor sa reklamo ng Manila Water kontra pamahalaan ng Pilipinas.
Ito ang tugon ni Solicitor General Jose Calida sa hatol ng korte na nag-uutos sa Philippine government na bayaran ang naturang kompaniya ng P7.39-bilyong halaga ng loss income nito matapos harangin ang petisyon nito noon para sa dagdag singil sa tubig.
“While the OSG respects its obligation to keep confidential the arbitration proceedings, the OSG cannot just simply stand by and watch Manila Water spin the circumstances and paint itself as an exemplary, outstanding company,” ani Calida.
Bukod dito, may P3.4-bilyon din na ipinapabalik ang korte sa pamahalaan para naman sa Maynilad Water Services Inc.
Una nang pumalag si Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing ginagatasan ng mga kompaniya ang taongbayan sa pamamagitan ng pagsingil sa naturang mga penalty.
”Manila Water cannot hide within the confines of the Concession Agreement and escape its obligation to the people. A provision in a contract which is contrary to law and public policy is void,” dagdag ng Solgen.
Iginiit ni Calida na mandato ng mga korporasyon na nagbibigay ng basic services na magpasailalim sa regulasyon ng gobyerno para masigurong hindi nakokompromiso ang interes at karapatan ng publiko.
Ipinunto rin nito ang tila naging pagkukulang ng mga kompanya sa issue ng water shortage sa nakalipas na mga buwan sa Metro Manila.
“Corporations that provide basic commodities, like water, must submit itself to government regulation, lest it resort to abusive profiteering to the detriment of the Filipino people.“