-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Iniutos ng lokal na pamahalaan ng Bacolod ang pagbawal sa pagdaong ng mga barko mula sa China, Hong Kong at Macau, sa pantalan ng lungsod dahil sa Coronavirus Disease (COVID)-19.

Kahapon, inilabas ni Mayor Evelio Leonardia ang Executive Order No. 11 Series of 2020 na nag-uutos ng ban.

Dahil idineklara aniya ng World Health Organization na public health emergency of international concern ang COVID-19 at inaprubahan din ng inter-agency task force ang travel ban sa China, nagsasagawa rin ng preventive measures ang Bacolod City government upang maproteksyunan ang mga residente sa posibleng exposure sa carriers o sources ng COVID-19.

Ang Executive Order ay naging epektibo na rin kahapon.

Nabatid na isinailalim din sa quarantine ang barko mula sa China na maghahatid sana ng semento sa Bacolod.

Ang MV Unicorn Bravo ay may 19 na crew kung saan 15 dito ang Chinese, habang apat ang mula sa Myanmar.