Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sinabi nito na kailangan ng masusing pag-aaral ang alok na joint military training ng Russia sa Armed Forces of the Philippines.
Sa mensahe ni Lorenzana sa Bombo Radyo kaniyang sinabi na maaari umanong magpadala ng mga cadets ang AFP sa Russia o vice versa ibig sabihin maari rin na magpadala ng Russian cadets sa Pilipinas para mag-aral.
Maaari rin aniya na magpadala ng senior officers sa Russia para sa kanilang higher military education o exchanges of visits ng mga officers at sundalo.
Pero kung ang usapin ay joint military exercises ay dapat lamang pag-aralan pa.
Ayon pa sa kalihim ang joint military exercises ng Pilipinas at ibang bansa ay nangangailangan ng frameworks na siyang pagbabatayan gaya ng visiting forces agreement.
“These are offers which we are evaluating. Maybe we can start with sending cadets and accepting theirs or sending senior officers to their higher military education. Also exchanges of visits of officers and soldiers. But for joint exercises, we have to study closely and put up the frameworks to do it such as a visiting forces agreement,” mensahe pa Lorenzana sa Bombo Radyo.