-- Advertisements --

LAOAG CITY – Ipinaalam ni Mayor Michael Marcos na magkakaroon ng tulong sa lahat ng mangingisdang apektado sa dalawang araw na Balikatan Exercise sa Brgy. Lapaz dito sa Laoag City.

Ayon sa kanya, nakipag-ugnayan na siya kay Ms. Shiela Opelac, namumuno sa City Agricuture Office sa nasabing lungsod na alamin ang bilang ng mga mangingisdang apektado sa naturang aktibidad.

Tiniyak naman ni Mayor Keon na mabibigyan ng food packs at financial assistance ang mga mangingisda.

Nais niya na maibigay agad ang tulong na ito para sa kanila sa lalong madaling panahon lalo na’t naapektuhan ang kanilang hanapbuhay.

Idinagdag niya na ang site ay isang magandang lugar para sa isang mahusay na aktibidad tulad ng Balikatan Exercise.