LAOAG CITY – Ipinangako ni Sec. William Dar ng Department of Agriculture (DA) na napag-usapan nila na bibilhin lahat ng NFA ang mga palay ng mga magsasaka sa Ilocos Norte.
Inihayag ito ni Dar sa press briefing sa kapitolyo sa pagbisita niya kasama sina Sen. Bong Go, Sen. Imee Marcos, at DSWD Sec. Rolando Bautista sa probinsya.
Paliwanag ni Dar, kahit yaong mga nabasang palay ay bibilhin din ng NFA para matulungan ang mga magsasaka matapos ang pananalasa ng bagyong Ineng.
Samantala, tiniyak naman ni DSWD Sec Bautista na maaayos ang mga nasirang bahay ng mga biktima ng bagyong Ineng sa lalong madaling panahon.
Binigyan pa ni Bautista ng tig-P10,000 ang dalawang pamilyang namatayan dahil sa nasabing bagyo.
Dagdag niya na ang mga nasugatan ay makakatanggap ng tig-P5,000.