Inutos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. sa lahat ng uniformed and civilian employees ng police organization na mag-sign up para sa Subscriber Identity Module (SIM) registration sa lalong madaling panahon.
Ang SIM Registration Act, o ang Republic Act 11934, ay matagal nang itinataguyod at itinulak ng PNP sa Kongreso, simula sa kasagsagan ng mga bombing activities kung saan ang mga lokal na organisasyong terorista ay gagamit ng mga cellphone-detonated bombs.
Sa wakas ay naipasa na itong batas noong Oktubre 10 ngayong taon at sinimulan na ng gobyerno ang 180-days nitong pagpapatupad noong Disyembre 27.
Hinikayat din ni Azurin ang PNP uniformed personnel at civilian employees na hikayatin ang kanilang mga pamilya na gawin din ito.
Binigyang-diin ni Azurin ang pangangailangang sundin at ipatupad ang batas, lalo na ang mga criminal elements ay gumagamit ng prepaid card sa iba’t ibang online scam.
Ang mga subscriber ay nagrereklamo rin ng mga mensaheng spam mula sa mga prepaid na SIM card, karamihan sa mga mensahe ay may kasamang link na nagbibigay-daan sa mga hacker na magnakaw ng mahahalagang impormasyon mula sa mga netizen.