-- Advertisements --

Saklaw na ngayon ng PhilHealth ang lahat ng persons with disabilities (PWDs) kasunod ng ginawang pag-amyenda sa Magna Carta for Persons with Disability.

Kaugnay nito, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) 11228 nitong Pebrero 22.

Sa pamamagitan ng RA 11228, otomatiko nang masasakop ng national health insurance program ng PhilHealth ang mga PWD at ang premium contributions nito ay sasagutin ng national government.

Nakapaloob sa batas na kukunin ang pondo para sa kontribusyon ng PWDs mula sa dagdag na Sin Taxes o excise tax sa mga inuming nakakalasing at tobacco products.

Kaugnay nito, inoobliga naman ang mga local government units, PhilHealth at National Council on Disability Affairs, na isumite ang listahan ng mga PWD sa Department of Health.