Matapang na humirit si Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na gagawin daw nila ang lahat upang madakip at maaresto si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy at ang iba pa nitong kapwa akusado.
Ani Abalos, hindi sila titigil at handa nilang gamitin ang lahat ng resources ng gobyerno upang makamit lamang ang hustisya at tuluyan ngang mahuli ang Pastor.
Sinabi rin ni Sec. Abalos na ito ay warrant, at kinakailangan talagang dumalo ni Quiboloy sa korte kung kaya’t ginagawa ng mga kapulisan, mga militar at iba pang ahensya ng gobyerno ang kanilang trabaho sa pagtutugis sa naturang self proclaimed son of God upang mapanagot sa naturang kinahaharap na kaso.
Dagdag din niya, lumiliit na raw ang Pilipinas para sa mga wanted na ito, kasunod ng pagkadakip kahapon ng isa sa kapwa akusado niyang si Paulene Canada na siya ring humarap ngayong araw sa publiko.
Matatandaan na nahuli si Canada sa kaniyang bahay matapos na may tumawag sa ahensya.
Sa ngayon, patuloy naman ang paghahanap ng naturang mga ahensya sa iba pang natitirang wanted gayundin ang pag-aaral at pagbe-beripika ng mga ito sa mga impormasyon na kanilang nakukuha galing sa publiko.