-- Advertisements --

Tinanggal na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang lahat ng tropical cyclone wind signals ukol sa bagyong Karding.

Ito ay kasunod ng paglayo ng naturang sama ng panahon sa Philippine landmass.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 400 km sa kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 140 kph at may pagbugsong 170 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 30 kph.

Patuloy naman pinaiigting ng bagyo ang umiiral na hanging habagat, na nagdadala ng ulan sa Southern Luzon at Visayas.