-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Speaker Martin Romualdez na mahigit sa one-third ng 310 na mambabatas ng House of Representatives ay miyembro na ng ruling party na LAKAS-CMD.

Ayon kay Romualdez na mayroon ng 109 na Lakas-CMD members ngayon sa House.

Pinakahuling sumali ay sina Zamboang del Sur Rep. Victoria Yu, dating Nacionalista Party member Raul Tupas ng Iloilo at Bukidnon Rep. Jose Manuel Alba.

Dagdag pa ni Romualdez na ang kanilang pakikipag-alyansa ay nagpapalawak ng suporta sa kongreso para sa pagsuporta sa isinusulong ng programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kaunlaran at mga programa sa Bagong Pilipinas.