-- Advertisements --

Inampon ng partidong Lakas-Christian Muslim Democrat para maging kandidato sa pangulo nila si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Isinagawa ang nasabing anunsiyo sa pamamagitan ng pagpasa ng resolution ng partido.

Nakasaad sa nasabing resolution na mayroong kapangyarihan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang kanilang chairperson na mamili ng kaniyang magiging runningmate.

Isinapormal din ng nasabing resolusyon ang pagkuha ng partido kay Marcos bilang kanilang pangulo.

Magugunitang unang inanunsiyo ni Duterte-Carpio ang pag-anib nito sa nasabing partido at ang pagsuporta nito kay Marcos.