Makikipag-alyansa ang LAKAS-CMD, isa sa pinakalamaking political parties sa bansa ngayon sa partido ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa Miyerkules para sa 2025 midterm elections.
Ito ang kinumpirma ni Deputy Speaker at Quezon Province Rep. David “Jayjay” Suarez, na siyang spokesperson ng partido LAKAS.
” As the spokesperson of Lakas-CMD, we will be forging our alliance with Partido Federal on Wednesday,” pahayag ni Suarez.
Ayon kay Suarez ang coalition ay bukas sa lahat ng partido na nakahanda tumulong sa pagtupad sa mga adhikain ng Marcos administration.
Sinabi ni Suarez na iisa ang common values at ideology ng Lakas CMD at PFP partikular ang panawagang pagkakaisa, development at progress.
Binigyang-diin ni Suarez na mahalaga na magkaroon ng synergy sa mga miyembro ng partido sa coalition.
Sa kabilang dako, inihayag ni Manila Representative Joel Chua na miyembro ng Aksiyon Demokratiko sa Kamara na kaniyang ikinalulugod kung ikukunsidera ng Pangulong MArcos ang kanilang partido para magkaroon ng alyansa.
” And we look forward to establishing and building on this alliance because, number one, we share common values, we share a lot of commonalities when it comes to ideology and of course, we carry the Presidents banner, calling for unity, development and progress,” pahayag ni Rep. Suarez.