-- Advertisements --
Taal evacuees PNP

LAOAG CITY – Nananatiling matatag ang kalooban ng mga residente sa Sto. Tomas, Batangas at dahil din sa suporta ng mga Pilipino at lokal na gobyerno sa kanila.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Gerry Laresma, public information officer ng Sto. Tomas, nananatili pa rin ang 3,433 na pamilya o 12,738 na indibidwal
sa mga evacuation centers.

Aniya, karamihan sa mga bakwit ay residente ng Talisay at ang iba ay residente ng Tanauan, Laurel, Agoncillo at Malvar.

Inihayag ni Laresma na sobra-sobra na ang mga naibigay na damit sa mga residente at apela nito sa mga tumutulong na kailangan ng mga bakwit ng pang-araw-araw na pagkain, gulay at hygiene kits.