CENTRAL MINDANAO – Bubuksan muli sa mga turista ang Lake Holon ngayong Marso 10 sa T’boli, South Cotabato.
Ayon kay T’boli Municipal Tourism Officer Rodel Hillado, Marso 9 ay magkakaroon muna ng pilgrimage to Holon.
Tinatayang aabot sa 300 na mga pilgrims ang makikiisa sa seremonyas papuntang Lake Holon.
Ang pormal na pagbubukas ng Lake Holon ay bahagi ng 45th Foundation Anniversary at 21st Seslong Festival sa T’boli, South Cotabato na magsisimula sa Marso 5 hanggang Marso 16.
Dagdag ni Hilado, may mga sorpresa silang inihanda para sa mga turista lalo na ang pagpapaganda sa mga pasilidad at magandang serbisyo sa lahat ng mga bisita, lokal man o dayuhan.
Fully-book na rin ang Holon para sa darating na Holy Week at summer season.
Kada taon, tatlong buwan nagsasara ang Lake Holon mula buwan ng Enero hanggang Marso upang bigyan ng panahon na ito ay makapagpahinga sa presensya ng mga tao.
Nanawagan si Hilado sa mga turista na bibisita sa Lake Holon na mag-ingat para maiwasan ang disgrasya.