-- Advertisements --

Paghaharapin ng NBA ang Los Angeles Lakers at Brooklyn Nets sa kanilang Christmas Games sa Disyembre 25.

Bukod sa dalawang koponan ay makakaharap ng Atlanta Hawks ang New York Knicks sa Madison Square Garden ganun din ang harapan ng Dallas Mavericks at Utah Jazz sa Salt Lake City.

Sisimulan kasi ang unang laro ng NBA sa October 19 kung saan bibista ang defending champion na Milwaukee Bucks sa Brooklyn Nets habang ang Lakers ay bibisita sa Golden State Warriors.

Ilalabas sa mga susunod na araw ng NBA ang kabuuang 82 na laro sa NBA.