-- Advertisements --

Muli na namang nakatikim nang pagkatalo ang Los Angeles Lakers matapos na pahiyain ng Sacramento Kings, 116-112.

Ito na ang ikaanim na talo ng Lakers at huling exhibition games bago ang pagbubukas ng bagong season ng NBA sa Oktubre 19.

Ang panalo ng Kings ay sa kabila ng big game ni LeBron James na nagtala ng 30 points.

Sa kampo ng Kings nanguna sina De’Aaron Fox na may 21 points at si Richaun Holmes ay nagdagdag ng 15 points at 10 rebounds.

Samantala sa Lakers sina Russell Westbrook ay nagpakita ng 18, Carmelo Anthony na nagbuslo ng 15 habang si Anthony Davis ay nagpakita ng 14 points at 12 rebounds.

Sa second half ay nagpakaba sa ilan ang pagbagsak ni James pero sa huli ay nakabalik din ito sa game.