-- Advertisements --

Mistulang tune up games na lamang ang huling laro ng Los Angeles Lakers at Milwaukee Bucks dahil sa wala na rin itong bearing.

Nananatili pa rin kasing top team ang Lakers sa Western Conference at Bucks naman sa Eastern Conference.

Ang LA superstar na si LeBron James ay inabot lamang ng 15 minutes ang paglalaro at nagtapos sa 17 points makaraang talunin sila ng Sacramento Kings, 122-136.

Ang Kings ay uuwi na ng maaga mula sa NBA bubble sa Florida habang ang Lakers naman ay simula na rin ng kanilang laro sa Miyerkules sa pagsisimula sa first round.

Sa kabilang dako, nasilat naman ng Memphis Grizzlies ang Bucks nang pahiyain nila sa score na 119-106.

Kinailangang magdoble kayod ng Grizzlies upang makahabol sa huling biyahe sa last spot.

Sinamantala ng Grizzlies ang kawalan ng reigning MVP na si Giannis Antetokounmpo na suspindido ng isang laro.

Narito ang kompletong resulta ng games ngayong araw:

Washington Wizards 96, Boston Celtics 90

Sacramento Kings 136, Los Angeles Lakers 122

Memphis Grizzlies 119, Milwaukee Bucks 106

Phoenix Suns 128, Dallas Mavericks 102

Utah Jazz 118, San Antonio Spurs 112

Portland Trail Blazers 134, Brooklyn Nets 133

Orlando Magic 133, New Orleans Pelicans 127

Seedings and matchups:

Eastern Conference
No. 1 Milwaukee vs. No. 8 Orlando
No. 2 Toronto vs. No. 7 Brooklyn
No. 3 Boston vs. No. 6 Philadelphia
No. 4 Miami vs. No. 5 Indiana

Western Conference
No. 1 Los Angeles Lakers vs. No. Play-in series winner (Portland vs. Memphis)
No. 2 L.A. Clippers vs. No. 7 Dallas
No. 3 Denver vs. No. 6 Utah
No. 4 Oklahoma City vs. No. 5 Houston