-- Advertisements --

Hindi pa rin umano isinasantabi ng Los Angeles Lakers ang posibilidad na makapaglaro pa rin ngayong season si DeMarcus Cousins.

Maaalalang sumailalim sa surgery si Cousins noong offseason upang ayusin ang napunit nitong ACL sa kanyang kaliwang tuhod.

Natamo ng 6-foot-10 big man ang injury sa kalagitnaan ng isang pickup game noong summer.

Ayon kay Lakers coach Frank Vogel, may tsansa raw na makabalik si Cousins sa court sa playoffs, sakaling makausad doon ang koponan.

“We’ve not closed the door on that,” wika ni Vogel. “We’ll just — we’re going to be a wait and see. With these injuries that are long rehabs, you have to see and take it kind of month to month and see where he’s at. But we’ve not closed the door on a possible return for him.”

Si Cousins ay lumagda ng one-year, $3.5 million free-agency deal sa Lakers matapos ang pananatili nito sa Golden State Warriors.