-- Advertisements --

Bumangon mula sa nakakadismayang first half performance ang Los Angeles Lakers upang itala ang come-from-behind win laban sa Chicago Bulls, 103-94.

Kinailangan ng Lakers ng 38-19 rally upang itumba ang Bulls at ipalasap ang ika-12 pagkatalo mula kabuuang 15 games ngayong season.

Nagsama ng puwersa sina Kyle Kuzma na may 22 points at Kentavious Caldwell-Pope na kumamada ng 11 points sa fourth quarter lamang para sa kabuuang 21 puntos.

Malaking tulong din ang nagawa ni Brandon Ingram na nagpakita ng 17 points, five rebounds at five assists para iposte ng Lakers ang ikalawang sunod na panalo.

Si Lonzo Ball ay meron lamang walong puntos pero nakasikwat siya ng 13 big rebounds at apat na assists.

Mula naman sa bench ng Los Angeles nanguna ang Filipino-American na si Jordan Clarkson na nagbuslo ng 12 puntos.

Sa panig ng Chicago nasayang ang diskarte nina Denzel Valentine na may 17 points at Antonio Blakeney na nag-ambag ng 15.

Sa next game ng Bulls haharapin nila ang Utah Jazz sa Huwebes habang makikipagtuos naman ang Lakers kontra sa Sacramento Kings.