-- Advertisements --
Natuldukan na rin ng Los Angeles Lakers ang kanilang kamalasan matapos na mamayani sa kanilang laro laban sa Portland Trail Blazers sa iskor na 99-94.
Bago ito, lumasap ng tatlong sunod-sunod na talo ang Lakers.
Pero sa pagkakataong ito, hindi na hinayaan ng Lakers big man na si Anthony Davis na mag-collapse pa ang team lalo na sa fourth quarter.
Ang All-Star ay nagbuhos ng 19 points sa last quarter mula sa kabuuang 30 points at 15 rebounds.
Malaking tulong din naman ang ginawa ni Carmelo Anthony na nag-ambag ng 24 points, habang hindi pa rin nakakabalik sa game si LeBron James sa ikaapat na sunod na laro dahil sa pamamaga ng paa.
Sa ngayon hawak ng Lakers ang 25-27 win-loss record para sa ika-siyam na puwesto sa Western Conference.