Bumawi ang Los Angeles Lakers sa Minnesota Timberwolves at itinabla ang serye sa na 1-1.
Sa pagharap ng dalawa sa Game 2, kapwa gumawa ng double-double performance sina Lebron James at Luka Doncic: 31-12-9 kay Doncic habang 21-11-7 ang ambag ng top NBA scorer.
Sa unang quarter ay agad ipinoste ng Lakers ang 19-point lead, 34 – 15. Unti-unti naman itong binawi ng Wolves ngunit tanging tatlong puntos lamang ang nagawa nilang tapyasin sa pagtatapos ng 3rd quarter.
Pagpasok ng 4th quarter, nagawa nilang limitahan sa 13 points ang Lakers habang umabot sa 20 points ang nagawa ipasok.
Gayonpaman, hindi pa rin ito naging sapat upang tuluyang burahin ang malaking lead na ipinoste ng Lakers sa unang quarter ng laban.
Kapwa naging malamiya ang 3-point shots ng dalawang koponan kung saan tanging anim na tres ang naipasok ng Lakers mula sa 29 na pinakawalan. Tanging limang 3-pointer lamang din ang naipasok ng Wolves mula sa 25 na pinakawalan.
Kapwa nalimitahan sa 20% ang dalawang koponan sa 3-point line ngunit nagawa nilang magsabayan sa paint area kung saan parehong kumamada ang dalawa ng tig-46 points.
Sunod na gaganapin ang ikatlo at ika-apat na laban sa pagitan ng dalawa sa homecourt ng Timberwolves.
Dahil kapwa nagrehistro ng pagkatalo ang dalawang koponan(1-1), tiyak na ang Game 5 at babalik ito sa homecourt ng Lakers.