-- Advertisements --
DeMarcus Cousins
DeMarcus Cousins/ IG post

Nagtamo ng torn ACL injury sa kaniyang tuhod si Los Angeles Lakers center DeMarcus Cousins.

Nakuha nito ang nabanggit na injury sa isinagawa nitong workout sa Las Vegas.

Dahil dito ay nangangamba na hindi makapaglaro sa buong 2019-2020 ang four-time All star player.

Magugunitang pumirma ang 29-anyos na isang taong kontrata sa Lakers matapos ang free agency.

Hindi ito nakapaglaro ng kalahating taon ng 2018-2019 sa Golden State Warriors dahil sa torn Achilles.