-- Advertisements --

Babandera umano sa nakatakdang Christmas Day game ng NBA ngayong taon ang matchup sa pagitan ng Lakers at Clippers.

Ayon sa mga impormante, haharapin ng superstar duo nina LeBron James at Anthony Davis ang tambalan naman nina Kawhi Leonard at Paul George ng Clippers sa nasabing laro na idaraos sa Staples Center sa darating na Disyembre 26, oras sa Pilipinas.

Ito na ang ika-13 sunod na appearance ni LeBron sa isang Christmas Day matchup.

Samantala, ilan sa sa mga games na nakatakda para sa Pasko ang New Orleans Pelicans kontra Denver Nuggets; at Boston Celtics kontra sa NBA champions na Toronto Raptors.