-- Advertisements --

Nakatikim ng talo ang Los Angeles Lakers sa kamay ng Golden State Warriors, 124-103, sa kanilang preseason games, kulang-kulang isang linggo bago ang inaabangang pagbubukas ng bagong season ng NBA.

Ito na ang ikatlong talo at tatlong panalo ng grupo ni LeBron James na hindi naglaro para magpahinga muna.

Gayundin naman si Anthony Davis ay hindi rin naglaro.

Tatlo pang mga players ng Lakers ang nasa injury list pa rin.

Nanguna naman sa panalo ng Warriors si Stephen Curry na may 32 points.

Nagpasok din ito ng anim na three point shots mula sa 15 attempts.

Sumuporta naman si D’Angelo Russel sa kanyang 29 points, para sa 2-3 record ngayon ng Warriors.

Sa ibang games, dinispatsa naman ng Spurs ang Grizzlies, 104-91.

Ang pelicans ay malinis pa rin ang record sa limang panalo nang makalusot sa New York Knicks, 117-116.

Sa kabilang dako, tinambakan naman ng Houston Rockets ang Miami Heat sa high scoring game na 144-133.

Sa isa pang preseason game ngayong araw, ang defending champion na Toronto Raptors ay inilampaso ang Brooklyn Nets nina Kyrie Irving, 123-107.