Tinambakan ng Minnesota Timberwolves ang Los Angeles Lakers ng 29 points ngayong araw(Dec. 3), 109 – 80.
Ipinalasap ng Wolves sa Lakers ang ika-siyam na pagkatalo ngayong season sa pangunguna ng bigman na si Rudy Gobert na nagpasok ng 17 points at nagbulsa ng 12 rebounds.
Nagdagdag naman ng 18 points ang bagong Wolves forward na si Juluis Randle, kasama ang limang rebound.
Naging malamiya ang laro ng tinaguriang NBA King na si Lebron James at nalimitahan lamang sa sampung puntos sa mahigit 30 mins na paglalaro.
Maging ang bigman na si Anthony Davis ay nalimitahan lamang sa 12 points ngunit bumawi naman ng 11 rebound.
Nagawa pa ng Lakers na makipagsabayan hanggang sa ikatlong kwarter kung saan umabot lamang sa 15 points ang lamang ng Wolves.
Gayonpaman, sinamantala ng Minnesota ang malamiyang laro nina Labron at Davis at nagbuhos pa ng 30 points sa huling kwarter. Tanging 16 points lamang ang naisagot ng Lakers sa naturang quarter.
Naging mitsa sa pagkatalo ng Lakers ang pagpapakawala nito ng 31 3-pointers sa kabuuan ng laro at tanging anim na tres lamang ang nagawang maipasok. Ito ay katumbas ng 19.4% na shooting percentage.