-- Advertisements --

Patuloy ang paggawa ng kasaysayan ni NBA superstar Lebron James, ang kasalukuyang pinakamatandang player sa liga.

Naibulsa na kasi ni Lebron ang 49,999 career points, kasunod ng 17 points na ipinasok niya sa panalo ng Los Angeles Lakers kontra sa Los Angeles Clippers.

Si Lebron ang kasalukuyang may hawak sa pinakamaraming career points sa kasaysayan ng NBA at siyang ang bukod-tanging player na magbubulsa ng 50,000 career points.

Samantala, matapos manalo ng Lakers kontra sa Clippers, hawak na ng 2020 NBA champion ang ikalawang pwesto sa Western Conference, bitbit ang win-loss record na 38 – 21.

Sa naging tapatan ng dalawang Los Angeles team, nasayang ang panibagong double-double performance ni Kawhi Leonard – 33 points, 10 rebs.

Nanguna naman ang bagong Lakers guard na si Luka Doncic sa panalo ng koponan gamit ang 29 points, siyam na assists, at anim na rebound.

Bagaman sumabay ang Clippers sa kabuuan ng laban, dominado ng Lakers ang bawat quarter maliban lang sa 4th quarter kung kailan nagsagawa ng comeback attempt ang Clipps mula sa 12-point deficit.

Nagawa ng Clippers na magpasok ng 25 points sa naturang quarter habang nalimitahan ang Lakers sa 19 points ngunit tanging 6 points ang nagawa burahin ng koponan hanggang sa matapos ang laban, 108 – 102, tangan ng Lakers ang 6-point win.

Sa kasalukuyan, nasa pang-6 na pwesto ang Clippers, hawak ang 32 – 27 win-loss record.