-- Advertisements --

Nanguna pa rin ang Los Angeles Lakers sa mga koponan sa NBA na may pinakamahal na tickets tuwing sila ay maglalaro sa sariling homecourt.

Ayon sa NBA na sa bawat laro ng Lakers ay nagbabayad ang kanilang fans ng katumbas ng P9,000 sa tickets, parking at mga pagkain para makapanood ng personal.

Sinundan ito ng New York Knicks habang ang may pinakamurang tickets ng panonood ng home game ay ang laro ng Memphis Grizzles.

Ang nasabing mga presyo aniya ay hindi kasama ang mga ibinebenta ng mga souvenirs o mga merchandise.

Ngayong araw ay magsisimula na ang regular season ng NBA.