-- Advertisements --
Kinuha ng Los Angeles Lakers si Ukrainian center Alex Len matapos ang bigong pagpirma kay Mark Williams.
Ang 31-anyos na seven-footer ay nasa pang 12th NBA campaign kung saan ang Lakers ay siyang pang-anim na koponan nito.
Isinagawa ang pagkuha kay Len tatlong araw matapos na pinakawalan siya ng Washington.
Unang planong kinuha ng Lakers si Williams subalit ito ay mayroong injury.
Si Len ay fifth overall pick ng 2013 NBA Draft ng Phoenix Suns matapos ang limang taon ay lumipat siya sa Atlanta Hawks, Sacramento Kings, Toronto Raptors at Washington Wizards.
Mayroon average ito ng 6.7 points at 5.3 rebounds sa buong 680 NBA appearances nito.