Inilampaso ng Los Angeles Lakers ang Portland TrailBlazers, 111-88, sa Game 2 ng kanilang best-of-seven series sa first round ng NBA playoffs sa Disney World sa Florida.
Dahil dito nagawang maitabla ng Lakers ang serye sa tig-isang panalo.
Bumawi naman si Anthony Davis sa kanyang laro nang magtala ng double-double figures na may 28 points at 11 rebounds.
Mula sa first half lumamang kaagad ng 17 points ang LA, sa third quarter ay umabot na sa 32 points hanggang sa hindi na ito lumingon pa.
Si LeBron James ay meron lamang 10 puntos pero nagpakita naman ito ng all-around game gamit ang six rebounds, seven assists pero may anim na turnovers.
Sinamantala ng Lakers ang masamang timpla ng laro ng Blazers kung saan ang All-Star guard na si Damian Lillard ay nabalian pa ng index finger sa kaliwang kamay sa third quarter.
Lumabas naman sa resulta ng X-rays na negative ito.
Hindi pa ngayon matiyak ang status ni Lillard sa Game 3.
Kung maalala si Lillard ang nagbitbit sa team sa Game 1 nang magbuslo ito ng 34 samantalang nitong araw ay 18 points lang.
Aminado naman si James na hirap silang ilatag ang pressure defense kina Lillard at CJ McCollum (13 pts) dahil magaling ang mga ito na kumawala sa matinding depensa.
Ang next game nang magkaribal na team ay mangyayari sa Linggo.