-- Advertisements --

Umugong ngayon ang isyu na target daw ngayon ng NBA champion na Los Angeles Lakers na makuha sa nalalapit na free agency ang Toronto Raptors star na si Serge Ibaka.

Kung maalala si Ibaka ay kabilang din sa nagkampeon na Raptors noong nakaraang taon.

Ayon sa lumutang na balita noon pa man hanggang ngayon ay interesado na ang Lakers na makuha ang serbisyo ni Ibaka.

Sinasabi kasi na kailangang magpalakas pa ng husto ng line up ang Lakers upang madepensahan ang kanilang korona sa bagong season na magsisimula sa buwan ng Disyembre.

Sinabi naman ng ilang analyst, si Ibaka ang tipo na player na “excellent spot starter,” maaasahan bilang bench big guys at magaling din sa three point area.

Gayunman, kung interesado ang Lakers kay Ibaka tiyak umanong makikipag-agawan din ang ibang teams na makuha siya.

Sa ngayon uunahin daw muna ng Lakers na problemahin ang sarili nilang mga players na sasalang sa free agency tulad nina Rajon Rondo, Kentavious Caldwell-Pope, Dwight Howard at Anthony Davis.

Pero si Davis ay sigurado nang mananatili sa LA.