-- Advertisements --

Nagpaliwanag ang NBA defending champion Los Angeles Lakers sa hindi nila pagbisita sa White House sa susunod na linggo para ipagdiwang ang kanilang 2019-2020 NBA championship.

Ayon sa koponan na hindi isang uri ng protesta ang hindi nila pagtungo sa White House at sa halip ay dahil sa higpit na ipinapatupad na COVID-19 protocols at sa scheduling conflicts.

Nakatakda kasing maglaro ang Lakers sa homecourt ng Washington Wizards sa Abril 28 at tradisyon na sa NBA na ang sinumang championship teams na dadayo sa Washington ay didiretso ng bibisita na rin sa White House.

Nagpahayag na rin ang ilang manlalaro ng Lakers gaya ni LeBron James na nais niyang makipagkita kay US President Joe Biden.

Magugunitang hindi na dumalaw ang Lakers sa pamumuno ni dating President Donald Trump bilang protesta matapos na kontrahin ni Trump ang ginagawang pagluhod ng mga manlalaro sa tuwing kinakanta ang national anthem bilang pagpapakita ng protesta sa mga nagaganap na racism sa US.