-- Advertisements --

Ipinatikim ng Los Angeles Lakers ang 2-pt loss sa Golden State Warriors sa panibagong banggaan sa pagitan ng dalawang superstar na sina Lebron James at Stephen Curry.

Nalusutan ng Lakers ang muling clutch performance na ipinakita ng 3-pt king na si Curry sa pamamagitan ng isang final layup mula kay Austin Reaves sa huling isang segundo ng laban.

Sa panalo ng Lakers, 31 points at 10 assists ang ginawa ng superstar na si Lebron James habang panibagong triple-double naman ang ginawa ng bagitong si Reaves – 26 points, 10 rebs, 10 assists.

Bagaman natalo ang Warriors, muling pinatunayan ni Curry ang pagiging 3-pt king sa pamamagitn ng 38 points, kasama na ang back-to-back 3 sa huling dalawampung segundo ng laro.

Panibagong double-double din ang ginawa ni Warriors forward Andrew Wiggins – 21 pts, 11 rebs.

Sa overall shooting, lamang ang GSW ngunit hindi nila nagawang tapatan ang free throws ng Lakers. Nagawa kasi ng LAL na maipasok ang 18 free throw mula sa 18 attempt o katumbas ng 100%.