Isinalba ng rookie na si Austin Reaves ang Los Angeles Lakers sa kanyang huling tira may 0.9 seconds ang natitira upang idispatsa ang Dallas Mavericks, 107-104.
Ang big time shot ni Reaves ay ikalima sa kanyang three points mula sa kabuuang anim na pagtatangka sa game.
Naipasok ni Reaves mula sa kickout pass kay Russell Westbrook ang pinakamahalagang tira sa kanyang bagong career.
Samantala nanguna naman sa scoring si LeBron James na may 24 points, Westbrook na nagdagdag ng 23 at Davis na may double-double gamit ang 20 points at 12 rebounds makalipas na hindi makalaro ng dalawang games.
Sa ngayon hawak na ng Lakers ang 16-13 record.
Ang Mavs naman ay minalas sa 14-14 kartada kung saan ang kanilang All-Star guard na si Luka Doncic ay nasa ikatlong game na rin na hindi pa nakakalaro.