DALLAS – Naghalimaw ang Los Angeles Lakers superstar LeBron James sa kanyang performance kontra Dallas Mavericks, 119-110, sa overtime na panalo.
Pomoste ng triple-double ang four-time MVP na nagtala ng 39 big points, 12 rebounds at 16 assists.
Katuwang nito ang kapwa All-Star na si Anthony Davis na may 31 puntos, walong rebounds, dalawang assists, dalawang steals at dalawang tapal upang itala ang 4-1 record ngayong bagong NBA season.
Ang heroic moves naman ni Danny Green ang nagsalba sa Lakers sa fourth quarter matapos niyang ibaon ang three-pointer mula sa pasa ni James para dalhin ang laban sa overtime.
Mabagal ang naging simula ng Los Angeles dahilan para matambakan sila ng 15 puntos sa first half.
Nabuhay naman si James at Davis sa second half upang talunin nila sariling triple-double ni Luka Doncic.
Halos pantayan ng last season Rookie of the Year na si Doncic ang ginawang performance ni James makaraang magpakita ng 31 puntos, 13 rebounds at 15 assists.
Pero mistulang naging tahimik naman sa end game ang partner nito na si Kristaps Porzingis na may 16 na puntos lamang at siyam na rebounds.
Labing-lima sa 16 na puntos sa overtime ng Lakers ay nagmula tandem nina Davis at James.
Samantala sa panig ng Dallas hawak nito ang kartada na 3-2 record.
Muli namang lalaban sa road games ang Lakers sa Lunes kontra sa San Antonio Spurs.
Ang Mavericks naman ay haharapin ang Cleveland.