-- Advertisements --

Inabot ng tatlong overtime ang laro ng Los Angeles Lakers pero sa huli ay namayani ang Sacramento Kings sa iskor na 141-137.

Sa tagal ng laro, umabot sa 19 na beses na nagtabla ang magkaribal na team habang umabot din sa 23 ang palitan ng kanilang kalamangan.

Nagsama ng puwersa ang mga players ng Kings na sina De’Aaron Fox na may 34 points at si Buddy Hield na nagtala naman ng 25 puntos.

Ito na ang ikawalo pa lamang na panalo ng Sacramento, habang ang Lakers ay natikman naman ang ika-11 talo matapos na mapako sila sa 10 panalo ngayong bagong NBA season.

Minalas din ang Lakers dahil nasa lima na ang kanilang talo sa huling pitong mga laro.

Nasayang naman ang ginawang diskarte ni LeBron James na nanguna sa Lakers na may 30 points, Russell Westbrook na nagdagdag ng 29 at si Anthony Davis ay merong 23 puntos.