-- Advertisements --
Binabalak umano ng Los Angeles Lakers na bigyan ng minutes restriction si NBA superstar LeBron James sa huli nilang 17 laro ngayong season.
Batay sa ulat, ginawa ng Lakers ang pasya makaraang makipagpulong ang team sa personal trainer ni James.
Bukod pa rito, lumulutang ngayon ang ulat na pagpapahingahin na rin umano si James para sa mga nalalabing back-to-back game situations.
Kasalakuyang inookupahan ng Lakers ang ika-11 puwesto sa Western Conference, hawak ang 30-35 win-loss card.
Nitong Huwebes nang lumikha ng record si James sa career scoring list matapos mahigitan si Hall of Famer Michael Jordan para sa ikaapat na puwesto.
Ang 15-time All-Star ay may season average na 27.1 points, 8.6 rebounds, at 8.0 assists sa loob ng 47 laro.