-- Advertisements --

Liyamado ngayon ang Los Angeles Lakers sa pustahan ng mga sugarol sa Las Vegas na magwagi sa NBA Finals.

Inilista ng online bookmaker na SportsBetting.com ang Lakers sa -400 para manalo sa serye, habang ang Miami Heat ay may +320.

Katwiran ng mga bettors, dalawang pangunahing rason kaya masusungkit daw ng Lakers ang kampeonato ay dahil sa kanilang karanasan at talento.

Naniniwala rin ang mga sugarol na mabilis lamang madidispatsa ng Lakers ang Miami.

Kung maaalala, pumasok sa playoffs ang Lakers na inasahang babanggain ang kanilang karibal na Los Angeles Clippers para ikatawan ang Western Conference kontra Milwaukee Bucks sa finals.

Ngunit kalaunan ay nawala sa eksena ang dalawang koponan nang malaglag sa semifinals.

Habang ang Heat ay hindi inasahan ng marami na maging banta sa Bucks, Boston Celtics, at maging sa kampeon na Toronto Raptors.

Pero matapos na ma-sweep ang Indiana Pacers para simulan ang kampanya sa postseason, tatlong beses lamang nakaranas ng pagkabigo ang Bucks sa paggapi nila sa Bucks (4-1) at Celtics (4-2).

Ang Game 1 ay magsisimula sa Huwebes, Oktubre 1 sa loob ng NBA Bubble sa Orlando, Florida.